Nakapagtala ng magnitude 4.2 na lindol ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS sa Agusan del Sur dakong 2:59 kaninang madaling araw.
Natukoy ang sentro ng pagyanig sa layong 11 kilometro hilagang Kanluran ng bayan ng Talacogon.
Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig na may lalim na 57 kilometro mula sa episentro ng lindol at walang inaasahang aftershock’s.
Samantala, naitala rin ng PHIVOLCS ang magnitude 4.1 na lindol sa Tarragona, Davao Oriental kaninang alas 2:34 ng madaling araw.
Natukoy ang episentro nito sa karagatan na may layong 191 kilometro Timog Silangan ng nasabing bayan.
Tectonic din ang pinagmulan ng pagyanig na may lalim na 33 kilometro mula sa episentro.
Ayon sa PHIVOLCS, ang nangyaring pagyanig sa Tarragona ay isa lamang aftershock ng magnitude 7.1 na lindol na unang tumama sa Gov. Generoso noong Agosto 12.—ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)