Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang Surigao Del Sur.
Ayon sa PHIVOLCS, tumama ito sa layong 46 na kilometro sa timog silangan ng bayan ng Cagwait.
Sinasabing ‘tectonic’ ang pinagmulan ng pagyanig na may lalim na 15 kilometro.
Wala namang napinsalang istruktura o nasaktan habang wala ring inaasahang artershocks sa naturang lindol.