Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang Zamboanga del Sur kaninang umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), natukoy ang sentro ng lindol sa layong 16 na kilometro timog silangan ng bayan ng Vicenzo Sagun at may lalim na 23 kilometro.
Naramdaman ang intensity 1 sa Zamboanga.
Wala namang napa-ulat na nasaktan o napinsala sa naturang paglindol.
By Ralph Obina