Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang Davao Occidental ala-1:37 ng hapon, kahapon.
Namataan ang pagyanig sa Balut Island na sakop ng Munisipalidad ng Sarangani, Davao Occidental sa layong 238km.
May lalim ang lindol na 9km at tectonic ang origin o pinagmulan nito.
Wala namang naitalang nasawi o nasugatan at wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.