Walang naidulot na pinsala at aftershocks ang magnitude 4.6 na lindol na tumama sa Oriental Mindoro kahapon.
Batay sa datos mula sa PHIVOLCS, natukoy ang episentro ng pagyanig sa layong 6 na kilometro timog-silangan ng Naujan mag-aala una ng Hapon nitong Biyernes.
Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig at nasa 7 kilometro ang lalim ng lindol mula sa episentro nito.
Gayunman, naitala ang intensity 5 na pagyanig sa sta. Cruz, Occidental Mindoro; intensity 4 sa mga bayan ng Abra De Ilog at Sablayan sa Occidental Mindoro gayundin sa Puerto Galera sa Oriental Mindoro.
Intensity 3 naman ang naitala sa Mamburao, Occidental Mindoro habang intensity 2 naman ang naramdaman sa Batangas City sa Batangas.