Niyanig ng magnitude 4.7 ang ilang bahagi ng Hilaga at Gitnang Luzon dakong alas-3:54 ngayong umaga.
Batay sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang sentro ng pagyanig sa layong walong kilometro kanluran ng Ambaguio sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.
May lalim na 10 kilometro ang lakas ng pagyanig mula sa gitna kung saan, naramdaman ang intensity 3 sa Baguio City sa Benguet.
Una rito, naitala naman ng US Geological Survey ang pagyanig sa parehong oras sa lakas na magnitude 5.2 sa layong 11 kilometro kanluran ng Uddiawan sa lalawigan pa rin ng Nueva Vizcaya.
By Jaymark Dagala