Niyanig din ng Magnitude 4.8 na lindol ang Masbate alas-8:38 kahapon ng umaga.
Ayon sa PHIVOLCS, namataan ang pagyanig sa layong 8 km Silangan ng Masbate City, Masbate.
May lalim ang lindol na 11 km at tectonic ang origin o pinagmulan nito.
Naitala ang Intensity Vi sa Mobo, Masbate; Intensity V sa Masbate City; Intensity IV sa Aroroy at Baleno, Masbate; Intensity III sa Batuan, Masbate; Intensity II sa San Jacinto, Masbate at Ajuy, Iloilo; Intensity I sa Passi City, Iloilo habang Instrumental Intensity V naman sa Masbate City.
Wala namang inaasahang aftershocks pero inaalam na ng mga otoridad ang kabuuang danyos matapos ang lindol.