Nakaramdam ng pagyanig ang ilang mga lugar sa Bicol Region kaninang umaga.
Ito’y makaraang yanigin ng magnitude 4 na lindol ang Camarines Sur.
Ayon sa Phivolcs, natukoy ang episentro ng pagyanig sa layong14 na kilometro timog-silangan ng Balatan, CamSur.
Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig na may lalim na apat na kilometro mula sa episentro.
Umabot ang pagyanig hanggang sa Legaspi City sa Albay na may lakas na intensity 1 kaya’t hindi naman ito nagdulot ng matinding pinsala.
Wala na ring naramdamang aftershock matapos ang unang pagyanig.