Niyanig ng Magnitude 4 na lindol ang Sarangani Island na sakop ng Davao Occidental alas-10 ng umaga kahapon.
Namataan ang pagyanig sa layong 202 kilometers southeast nang nasabing lugar at may lalim na 34 kilometers at tetonic ang origin o pinanggalingan nito.
Ayon sa PHIVOLCS, walang naitalang nasawi, nasugatan o nasirang ari-arian at wala ding inaasahang aftershock. —sa panulat ni Angelica Doctolero