Nilindol ng Magnitude 4 na lindol ang Davao Occidental, mag a alas-2 kaninang madaling araw.
Namataan ang lindol sa layong 304 kilometers bahagi Balut Island na sakop ng Municipalidad ng Sarangani, Davao Occidental.
May lalim ang lindol na 61 kilometers at tectonic ang pinagmulan nito.
Wala namang naitalang nasawi o nasugatan ang PHIVOLCS at wala ding inaasahang aftershocks. —sa panulat ni Angelica Doctolero