Niyanig ng Magnitude 5.2 na lindol ang Davao Orriental alas-4:37 kaninang madaling araw.
Ayon sa PHIVOLCS, namataan ang lindol sa layong 103 kilometers silangan ng Munisipalidad ng Tarragona sa nabanggit na lalawigan.
May lalim ang pagyanig na aabot sa 62 kilometers at tectonic ang origin o pinagmulan nito.
Naitala ang Instrumental Intensity IV sa Tarragona at Caraga, Davao Oriental; Intensity III sa Manay, Davao Oriental; Intensity II sa Malungon, Saranggani; habang Intensity I naman sa Tupi, South Cotabato at Nabunturan, Davao de Oro.
Wala namang naitalang nasawi o nasugatan pero asahan ang aftershock matapos ang pagyanig.