Tumama ang magnitude 5.1 na lindol sa Eastern Samar pasado 1:31 ngayong hapon.
Namataan ang epicenter ng lindol sa timog kanlurang bahagi ng Guiuan, Samar.
Meron itong lalim na tatlong kilometro na tectonic ang origin.
Ayon sa PHIVOLCS, wala namang naitalang pinsala ang pagyanig ngunit inaasahan pa rin ang mga aftershocks.
Samantala, naramdaman naman ang intensity 4 sa Borongan city, intensity 3 sa Palo Leyte at San Francisco Leyte, intensity 2 sa Surigao City at intensity 1 sa Ormoc City at Gingoong City.