Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang General MacArthur sa Eastern Samar kaninang ala-1:10 ng madaling araw.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 57 kilometro.
Naitala ang Intesity V sa General MacArthur, Hernani, at Quinapondan, Eastern Samar; Pastrana, Palo at Tacloban City, Leyte.
Sinabi ng PHIVOLCS na wala namang pinsala matapos ang pagyanig ngunit inaasahan ang aftershocks.