Niyanig ng magnitude 5.3 na lindol ang baybayin ng Davao Occidental kaninang alas-2:15 ng hapon.
Ayon sa Phivolcs, namataan ang lindol sa layong 84 kilometers sa Silangan ng Jose Abad Santos na may lalim na 101 kilometers.
Dahil dito, naitala ng Phivolcs ang sumusunod na intensities:
Intensity III sa General Santos City; Kiamba, Sarangani
at Intensity I sa Davao City.
Posible namang makaranas ng aftershocks ang nasabing pagyanig.—sa panulat ni Airiam Sancho