Niyanig ng magnitude 5.3 na lindol ang Tinaga Island, Camarines Norte ngayong araw.
Batay sa bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naramdaman ito dakong ala-1:05 ng hapon na may lalim na isang kilometro.
Naitala ang episentro nito 19 kilometro hilagang-silangan ng Tinaga Island.
Dahil sa lindol, naramdaman ang Intensity 5 sa Mercedes at Jose Panganiban sa Camarines Norte; Intensity 4 sa Daet, Camarines Norte; at Guinayangan, Polillo, Quezon.
Intensity 3 sa Ragay, Pili, Iriga City sa Camarines Sur; Mauban, Lopez, Mulanay, Alabat, Gumaca sa Quezon; Intensity 2 sa Tabaco sa Albay; Dingalan sa Aurora; Batangas City sa Batangas; Calumpit, Plaridel, Pulilan, Marilao, at San Ildefonso sa Bulacan; Sagnay sa Camarines Sur; Carmona sa Cavite; Marikina City, Pasig City sa Metro Manila; Gapan City sa Nueva Ecija; Pinamalayan sa Oriental Mindoro; Guagua sa Pampanga; Infanta sa Pangasinan; Dolores, Infanta, at Calauag sa Quezon; at Taytay, Tanay sa Rizal.
Samantala, intensity 1 naman sa Legazpi City sa Albay; Bulakan, Santa Maria, Guiguinto, Obando, Malolos City, Pandi, Dona Remedios Trinidad sa Bulacan; Tagaytay City, Ternate sa Cavite; Candon sa Ilocos Sur; Calamba, Los Banos sa Laguna; Malabon City, Pasay, Quezon City, Muntinlupa City, San Juan City sa Metro Manila; Mapanas sa Northern Samar; San Antonio, Gabaldon, Cabanatuan City sa Nueva Ecija; Calapan City sa Oriental Mindoro; Tayabas, Lucena City, sa Quezon; at Angono, Morong, Antipolo, Cainta sa Rizal.
Sa ngayon, babala ng PHIVOLCS na mag-ingat lalo’t inaasahan ang aftershocks.