Niyanig ng magnitude 5.5 na lindol ang Fiji Island na sakop ng Oceania.
Ayon sa US Geological, ang sentro ng pagyanig ay may lalim na aabot sa 10 kilometers at may layong mahigit 21 degrees sa bahagi ng timog at mahigit 175 degrees naman ang layo nito sa bahagi ng silangan ng nabanggit na bansa.
Inaalam na ng mga otoridad ang halaga ng danyos na nasira at bilang ng mga naapektuhan matapos ang pagyanig.