Niyanig ng Magnitude 5.5 na lindol ang Burgos, Surigao Del Norte pasado alas-5 ng madaling araw.
Ayon sa Phivolcs ang naturang lindol ay tectonic in origin at may lalim na labing anim na kilometro.
Naitala ang intensity 4 na pagyanig sa Dapa, Surigao De Norte.
Inaasahan ang mga aftershocks mula sa nasabing lindol subalit walang danyos sa imprastruktura.