Niyanig ng magnitude 5.6 na lindol ang eastern coast ng Japan.
Ayon sa US Geological Survey, natukoy ang sentro ng lindol sa layong dalawandaan at apatnapu’t tatlong (243) kilometro silangan ng Ofunato City at may lalim na labindalawa punto isang (12.1) kilometro.
Wala namang ipinalabas na tsunami warning ang mga awtoridad at wala ring napaulat na napinsala sa naturang paglindol.
Matatandaang 2011 nang tumama sa Japan ang magnitude 9 na lindol na ikinasawi ng mahigit labing walong libo (18,000) katao.
—-