Niyanig ng Magnitude 5.7 na lindol ang Veracruz, Mexico kahapon.
Ayon sa European Mediterranean Seismological Centre, naramdaman din ang pagyanig sa Tlaxcala State.
Panandalian namang itinigil sa gitna ng mga alarma ang isang regular na pagpupulong ng balita sa umaga para sa Mexican President na si Andres Manuel Lopez Obrador.
Samantala, sinabi ni Mexico City Mayor Claudia Sheinbaum na ang ilang gusali sa kabisera ay nagpatuloy na sa operasyon.
– Sa panulat ni Airiam Sancho