Niyanig ng magnitude 5.8 na lindol ang Calatagan sa Batangas dakong alas-11:08 ng gabi nitong Biyernes.
Ayon sa Phivolcs, may lalim itong 130 kilometers at itinuturing ding aftershock ng naganap na magnitude 6.6 na lindol sa kaparehong lugar noong Hulyo 24.
Naramdaman din ang pagyanig ng lindol sa intensity IV: Puerto Galera at Calapan City, Oriental Mindoro; Lubang, Occidental Mindoro; Lipa City, Lemery at Taal sa Batangas; Biñan, Laguna; at Looc sa Occidental Mindoro.
Intensity III naman sa mga lungsod sa Metro Manila gaya ng Pasig, Parañaque, Maynila, Caloocan, Mandaluyong, Valenzuela at Quezon City; Abra De Ilog, Oriental Mindoro; Obando, Bulacan; Batangas City; Tanza, Cavite.
Intensity II sa Meycauayan City at Malolos City sa Bulacan; Makati at Pasay City; Pateros, San Jose, San Pascual, Bauan, Agoncillo, San Luis, at Talisay sa Batangas.
Habang ang Intensity I naman ay naramdaman sa lungsod ng Malabon.