Niyanig ng magnitude 5.8 na lindol ang isla ng Kyushu sa Japan.
Ayon sa US Geological Survey o USGS, natunton ang sentro ng lindol sa lalim na 10 kilometro.
Sa panig naman ng Japan Meteorological Agency o JMA, naramdaman ang pagyanig sa sampung prefectures, tulad ng Kochi, Miyazaki, Hiroshima, Kagoshima at Okayama.
Wala pang iniuulat na nasaktan o napinsala sa naturang pagyanig.
Matatandaang noong March 2011 ay niyanig ng magnitude 9.0 na lindol ang yaman na nagdulot ng tsunami at ikinasawi ng mahigit 16,000 katao sa northeastern Japan.
By Jelbert Perdez