Niyanig ng magnitude 5 na lindol ang Bukidnon kaninang umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naramdaman ito dakong alas-5:44 ng madaling-araw at episentrong naitala pitong kilometro silangan ng munisipalidad ng Kalilangan.
May lalim ang lindol na tatlong kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Dahil sa lindol, naitala ang Intensity 5 sa Amai Manabilang, Lanao del Sur; Intensity 4 sa Kalilangan, Bukidnon; Kapatagan, Malabang, at Wao, Lanao del Sur; Barira, at Matanog sa Maguindanao; at sa City of Cotabato;
Intensity 3 naman sa Damulog, Dangcagan, Don Carlos, Kadingilan, Libona, Maramag, Pangantucan, Quezon, at Talakag, sa Bukidnon; Intensity 2 sa Cabanglasan, Lantapan, City of Malaybalay, San Fernando, at City of Valencia sa Bukidnon; at City of Cagayan De Oro; at Intensity 1 sa Malitbog sa Bukidnon; at Villanueva sa Misamis Oriental.