Isang magnitude 6.0 na lindol ang tumama sa Dalupiri Island sa Cagayan kaninang alas dos kwarenta ng madaling araw.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 27 kilometro.
Naramdaman ang Intensity V sa Aparri at Calayan sa Cagayan at maging sa Flora, Apayao;
Intensity IV sa Penablanca at Tuguegarao City, Cagayan; at
Intensity III sa Vigan City at Sinait, Ilocos Sur.
Sinabi pa ng PHIVOLCS na walang inaasahang pinsala matapos ang lindol ngunit posible ang aftershocks.