Niyanig ng Magnitude 6.0 na lindol ang silangang baybayin ng Honshu, Japan alas-11:24 kahapon ng umaga, oras sa Pilipinas.
Ayon sa Japan Meteorological Agency, natunton ang sentro ng pagyanig silangan ng Ibaraki Prefecture o nasa karagatan at may lalim na 60 kilometro.
Wala namang naitalang nasugatan at napinsala sa pagyanig.
Naramdaman ang Intesity 7 sa lungsod ng Iwaki sa Fukushima habang Intensity 3 at 4 sa Miyagi, Yamagata, Ibarakiat Niigata.