Niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang Hilagang-Kanluran ng Calatagan, Batangas dakong ala-5:50 ngayong Linggo umaga.
Batay sa ulat ng Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 132 kilometro
Naramdaman ang Intensity III sa Quezon City, Intensity IV sa Puerto Galera at Oriental Mindoro, Intensity III sa Calapan City, Oriental Mindoro at lungsod ng Malolos, Bulacan habang naramdaman ang Intensity II sa lungsod ng Marikina.
Ayon sa Phivolcs walang inaasahang matinding pinsala ang maidudulot ng naturang lindol kalupaan, subalit asahan ang mga aftershocks.