Niyanig ng magnitude 6.2 na lindol ang baybayin ng Sumatra Island sa Indonesia.
Ayon sa US Geological Survey (USGS), naitala ang epicenter ng lindol sa layong 48 kilometers sa South-Southeast ng Singkil City sa Aceh Province at may lalim na 37 kilometers.
Naganap ang lindol kaninang 6:30 ng umaga kung saan inisyal na sinabi ng usgs na nasa 6.0 magnitude at may lalim na 48 kilometers ang lindol.
Ipinabatid naman ng Meteorology, Climatology and Geophysics Agency (BMKG) sa nasabing lugar na walang banta ng tsunami at wala rin pang naitatalang casualty maging pinsala sa mga ari-arian ang nasabing lindol.