Niyanig ng magnitude 6.4 na lindol ang Vanuatu kaninang umaga.
Ayon sa US Geological Survey, natukoy ang sentro ng lindol isla ng Erromango at may lalim na 200 kilometro.
Wala namang napaulat na pinsala at wala ring ipinalabas na tsunami warning kaugnay ng tumamang lindol.
Ang isla ng Erromango sa Vanuatu ay mayroong 2,000 populasyon.
—-