Niyanig ng magnitude 6.5 na lindol ang Leyte pasado alas 4:00 ng hapon.
Ayon sa PHIVOLCS ang sentro ng nasabing pagyanig ay naitala sawalong kilometro kanluran ng Jaro, Leyte at may lalim na 2 kilometro.
Ang nasabing lindol na tectonic in origin ay naramdaman din sa intensity 5 sa Tacloban City sa bayan ng Palo at Cebu City.
Intensity 4 naman ang naramdaman sa Tolosa, Leyte Sagay City sa Negros Occidental at Burgos, Occidental del Norte.
Sa Bogo City sa Cebu at Calatrava sa Negros Occidental naramdaman ang Intensity 3 Intensity 2 sa Libjo, San Jose at Cagdianao sa Dinagat Islands at intensity 1 sa Roxas City at La Carlota City, Negros Occidental.
By: Judith Larino
Magnitude 6.5 na lindol tumama sa lalawigan ng Leyte was last modified: July 6th, 2017 by DWIZ 882