Isang magnitude 6.6 na lindol ang tumama sa Easter Island Region sa Pacific Ocean malapit sa Chile.
Ayon sa European Mediterranean Seismological Centre, may lalim ang lindol na 33 kilometro o 20.5 miles na naganap kaninang madaling araw.
Sinabi naman ng National Emergency Office ng Chile na walang banta ng tsunami at walang napinsala matapos ang pagyanig.