Walang naitalang tsunami warning ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa kabila ng magnitude 6.6 na lindol na tumama sa Easter Island Region sa Pacific Ocean.
Naitala ang naturang pagyanig kaninang alas-3:17 ng madaling araw.
May lalim itong 34 kilometer at tectonic ang pinagmulan ng lindol.
Sinabi rin ng PHIVOLCS na malayo ang lokasyon ng epicenter para makaapekto pa sa bansa.
Samantala, posible naman itong masundan ng aftershocks sa mga susunod na araw.