Niyanig ng lindol ang ilang bahagi ng Pakistan at Afghanistan ngayong umaga.
Naitala ang magnitude 6.9 na lindol, ang sentro sa Pakistan malapit sa Afghan border at tumagal ng halos isang minuto
Dahil dito, higit 40 ng sugatan matapos na mabagsakan ng mga gumuhong kabahayan sa syudad ng Peshawar.
Wala pa namang kumpirmadong nasawi sa naturang pagyanig
By Rianne Briones