Niyanig ng magnitude 6 na lindol ang Tarragona, Davao Oriental sa dakong alas-kwatro bente uno kahapon ng hapon.
Natukoy ang sentro ng lindol 129 na kilometro sa Timog-Silangan ng Tarragona, Davao Oriental na may lalim na 17 kilometro at tectonic ang pinagmulan ng pagyanig.
Naitala ng PHIVOLCS ang intensity IV sa ilang bahagi ng Davao Oriental; Intensity III sa ilang lugar sa Davao del Norte, Davao de Oro, Saranggani, Davao City, at South Cotabato; habang intensity I naman sa Sultan Kudarat.
Wala namang naitalang nasawi o nasugatan at wala ring pinsala sa lugar pero posibleng magkaroon ng aftershocks matapos ang pagyanig.