Niyanig ng magnitude 6.0 na lindol ang Southeastern Afghanistan.
Ayon sa GFZ German Research Centre for Geosciences, may lalim itong 10 kilometro o 6.21 miles.
Sinabi pa ng GFZ ang tumamang lindol ay malapit sa border o hangganan ng Afghanistan sa Pakistan.
Sa ngayon ay wala pang inilalabas na iba pang detalye kaugnay sa tumamang lindol sa lugar.