Nasawi ang tatlong indibidwal habang 60 naman ang sugatan sa naganap na lindol na yumanig sa Sichuan Province, China.
Ayon sa local authorities, magnitude 6 ang naramdamang lindol ngunit base sa pagtaya ng US geological survey, isang magnitude 5.4 na lindol ang tumama sa nasabing lugar kung saan ang epicenter ay 52 kilometers ng Southwest ng Yongchuan district sa Chongqing.
May lalim ang nasabing lindol na 10 kilometers.
Aabot naman sa 1,221 na mga bahay ang gumuho at mahigit 3,000 na gusali ang lubhang napinsala.
Kaugnay nito, nagsagawa na ang Chinese authorities ng rescue operations partikular na sa Luzhou City, na kabilang sa lubhang naapektuhan ng lindol.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico