Niyanig ng 7.1 magnitude na lindol ang Mexico.
Dahil dito, umuga ang mga gusali sa kapitolyo ng Mexico at ilang mga residente at turista ang naglabasan sa kalsada mula sa kanilang mga tahanan at tinutuluyang hotels.
Ayon kay Guerrero State Governor Hector Astudillo, isang lalaki ang nasawi matapos mabagsakan ng utility pole.
Sinabi naman ni Acapulco Mayor Adela Roman na ang lindol ay nagdulot ng “nervous breakdowns” sa siyudad.
Wala namang napaulat na lubhang napinsala sa kapitolyo ng Mexico.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico