Niyanig ng magnitude 7.2 na lindol ang Pacific Nation ng Vanuatu alas-11:30 kagabi.
Batay sa US Geological Survey, namataan ang pagyanig sa layong 25 kilometers sa Port Olry na sakop ng Espiritu Santo, probinsya ng Sanma, Vanuatu.
May lalim ang lindol na aabot sa 27 kilometers at tectonic ang origin o pinagmulan nito kung saan, naglabas na ng tsunami alert sa nasabing lugar maging sa New Caledonia Atthe Solomon Islands.
Ayon sa mga otoridad, posibleng umabot sa point 3 meters ang alon sa karagatan kaya pinag-iingat ang mga residente sa mga nabanggit na lugar.