Isang magnitude 7.3 na lindol ang tumama sa bayan ng Lagangilang, Abra kaninang 8:43 ng umaga.
Naramdaman din ang pagyanig sa ilang bahagi ng Luzon ngunit sa ngayon ay natukoy pa lamang ang Intensity IV sa Quezon City.
Ayon sa PHIVOLCS, tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 25 kilometro.
Sinabi pa ng PHIVOLCS na inaasahan ang aftershocks at pinsala matapos ang naganap na pagyanig.