Niyanig ng magnitude 7.5 na lindol ang Peruvian-Brazilian border sa Amazon Basin.
Ayon sa US Geological Survey, natukoy ang sentro ng lindol sa layong 296 na kilometro hilagang silangan ng Puerto Maldonado ng Peru at may lalim na 602 kilometro sa ilalim ng lupa.
Naramdaman naman ang 7.1 magnitude na lindol sa katimugang bahagi ng Peru malapit Chilean border habang nakapagtala naman ng ikalawang pagyanig na nasa magnitude 5.9.
Wala namang napaulat na napinsala o nasaktan sa naturang paglindol.
By Ralph Obina