Kinalma ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang publiko kasunod ng MAGNITUDE 7.7 na lindol na yumanig sa eastern New Guinea Reg Papua New Guinea.
Ayon sa PHIVOLCS, hindi magdudulot ng tsunami ang malakas na lindol.
Kaninang alas-7:46 ng umaga yumanig ang lindol na may episentrong 1,000 kilometro sa baybayin ng Papua New Guinea at Indonesia.
May lalim itong 79 kilometers at tectonic ang pinagmulan batay sa datos ng PHIVOLCS.
Sa ngayon, wala pang naitatalang nasawi dahil sa lindol pero asahan ang maraming damage at afteshocks.