Inilikas na ang mga residente sa coastal areas ng Chile, matapos tumama ang magnitude 8.3 na lindol mag-aalas-8:00 ng gabi, oras sa Chile, o mag-aalas-7:30 kaninang umaga, oras dito sa Pilipinas.
Naitala ng US Geological Survey ang sentro ng pagyanig 55 kilometro sa kanluran ng Illapel, at mayroon itong lalim na 33 kilometro.
Walang napaulat na nasaktan o nawasak na imprastraktura sa naturang pagyanig.
Samantala, naglabas ng tsunami warning ang Pacific Tsunami Warning Center at sakop nito ang coastal areas ng Chile at Peru.
By Katrina Valle