Naniniwala ang komedyante at host na si Vice Ganda na walang bibitaw sa kanilang dalawa ng kanyang karelasyon ngayon na si Ion Perez.
Sa anniversary vlog ni Vice, sinagot ng showbiz couple na sa tingin nila na walang bibitaw bagkus lalong tumitibay umano ang kanilang pagsasama kung saan nagcelebrate ang dalawa ng tatlong taong pagsasama sa Amerika.
Ayon kay Vice, hindi aniya niya nararamdaman na magloloko ang bawat isa na hahantong sa hiwalayan ang kanilang pagsasama.
Bukod dito, sinabi pa ng komedyante na natatanggap nya ang pagmamahal na deserve nya at ganun din naman ang pagmamahal nya para kay ion dahil hindi aniya nasusukat ang pagmamahal.
Malalaman lamang ito kung sincere o hindi ang ipinapakitang pagmamahal ng bawat isa.
Aniya, hindi mahalaga kung sino sa kanila ang mas lamang pagdating sa pagmamahal dahil ang mas mahalaga ngayon ay kung sapat nga ba ang ibinibigay na pagmamahal sa isat isa.
Matatandaang taong 2019 nang aminin ng dalawa ang kanilang relasyon sa noontime show na Its Showtime sa segment na magpasikat.