Muling nakabawi ang Magnolia Hotshots matapos pataobin ang TNT Katropa sa game 3 ng 2021 PBA Philippine Cup sa iskor na 106-98.
Tinambakan ng Magnolia ang TNT sa una hanggang ika-huling quarter dahilan para maging 2-1 ang iskor sa series ng best-of-seven finals.
Nanguna sa koponan si Paul Lee na pumuntos ng 21 habang nakaambag naman ng 20 points, 7 rebound at 5 assists na may apat na block si Ian Sangalang.
Dahil dito, nasayang ang naitalang pba finals record ni Mikey Williams na nakapagtala ng 39 points.
Abangan naman ang susunod laban sa pagitan ng dalawang koponan. —sa panulat ni Angelica Doctolero