Pinadapa ng Magnolia Hotshots ang Rain or Shine matapos matiyak ang twice to beat na pwesto sa PBA commissioner’s cup.
Simula pa lamang, kontrolado na ng Magnolia ang kanilang laro dahil nasa pangalawang pwesto na ito at makakaharap ang Phoenix Super LPG sa Quarterfinals.
Nanguna sa team si Nick Rakocevic na nakakuha ng 21 puntos at 13 rebound habang tig-16 na puntos sina Paul Lee at Ian Sangalang.
Nakapagtala naman ang Magnolia ng 10 panalo at 2 talo.
Samantala, makakalaban naman ng Rain or Shine ang NLEX. - sa panunulat ni Jenn Patrolla