Posibleng ipasubpoena ng Senate Blue Ribbon Committee si Pharmally Executive Krizle Mago sa susunod na pagdanig nito.
Iyan ang inihayag ni Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon matapos sabihing hindi mahagilap ng mga tauhan ng Senado si Mago sa kaniyang condominium units.
Ayon kay Gordon, posible aniyang mayroong pumuprotekta kay mago kaya’t umaasa siya na nasa ligtas itong kalagayan.
Umapela rin si Gordon kay Mago na lumabas at magsalita tulad ng kaniyang ginawa sa mga naunang pagdinig upang mapatunayan nito kung wala talaga siyang kinalaman sa maanomalyang pagbili ng gubyerno ng mga medical supplies sa kanilang kumpaniya.