Hindi rin dumalo sa pagdinig ng House Committee on Public Accountability and Good Government ang executive ng kumpaniyang pharmally na si Krizle Mago.
Ito’y kaugnay sa kontrobersyal na pagbili ng pamahalaan ng medical supplies sa naturang kumpaniya na nagkakahalaga ng walong bilyong piso.
Bago matapos ang pagdinig kanina, inihabol ni Committee Chairman Michael Aglipay na kailangang mapaharap si Mago para magbigay liwanag sa usapin.
Mahalagang makadalo aniya si Mago para makakuha pa ng karagdagang impormasyon hinggil sa naging pagbubunyag nito sa pagdinig ng Senado.