Kongreso at hindi ang Pangulong Rodrigo Duterte ang magpapasya sa franchise renewal ng ABS-CBN Corporation.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hawak ng kongreso ang bola sa pagrenew ng prangkisa ng largest media conglomerate.
Kasunod na rin ito nang pag-lapse into law o otomatikong maging batas ang mga panukalang i-renew ang prangkisa ng TV5 at CBCP.
Hindi nalagdaan ng Pangulong Duterte ang mga panukala para sa franchise renewal ng TV5 at CBCP sa loob ng 30 araw kaya’t otomarikong naging batas ang mga ito alinsunod na rin sa itinatakda ng konstitusyon.
Inihayag ni Panelo na dahil ng lapse into law ay okay na sa pangulo ang franchise renewal at parang pinirmahan niya na rin ito.
Nakatakdang mag expire ng prangkisa ng ABS-CBN sa March 2020.
Nabigo namang pumasa sa 17th congress ang panukala sa kamara na i-renew ang prangkisa ng network kaya’t kailangan itong irefile sa 18th congress na magsisimula pa lamang sa July 22.
Magugunitang ilang beses nagbabala ang pangulo na haharangin ang franchise renewal ng ABS-CBN dahil sa umano’y hindi pag-ere nito ng kaniyang political ad para sa 2016 elections.