Pinayuhan muli ni COMELEC Spokesman James Jimenez ang mga magpapa rehistro para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na agahan sa huling araw ng registration sa Sabado, July 30
Ito ayon kay Jimenez ay para makaiwas sa mahabang pila at kadalasang dagsaan ng mga last minute registrants sa deadline ng registration
Ipinabatid naman ni COMELEC Chairman Andres Bautista na nasa 1. 8 Million na ang nagpa rehistro kasama na ang nasa 600,000 SK Application mula July 23
Itinakda sa October 31 ang Barangay at SK elections
By: Judith Larino