Isang full cabinet meeting ang nakatakdang isagawa ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, December 14.
Gayunman sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi pa malinaw ang agenda sa nasabing cabinet meeting na mangyayari bago ang lingguhang public address nito.
Magugunitang regular ang idinaraos na buwanang cabinet meeting ng Pangulo na natigil lamang nang maharap sa COVID-19 pandemic ang bansa.