Lumabas sa pag-aaral ng National Anti-Poverty Commission na ang mga magsasaka at mangingisda ang pinakamahihirap na tao sa bansa.
Ayon sa NAPC, ito’y kasunod ng utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hanapin ang pinakamahihirap na kumunidad.
Kaugnay nito, nagkaroon ng mga diskusyon, talakayan, tungkol dito at nakita na ang mga pinakamahihirap na sektor sa ating bansa ay ang mga magsasaka at ang mga mangingisda.
Binanggit din ni NAPC Secretary Lope Santos ang mga katutubo at mga taong naninirahan sa mga lugar na may kaguluhan bilang kabilang sa mga mahirap na namumuhay. - sa panulat ni Kat Gonzales