Tuluyang nagsanib-puwersa ang Magsasaka Party-list sa pangunguna ni Atty. Argel Cabatbat, kasama ang Federation of Free Farmers (FFF) at iba pang organisasyon para i-angat ang buhay ng mga Pilipinong magsasaka, mangingisda, poultry raisers at piggery growers.
Maliban sa Magsasaka Party-list at FFF, kabilang dito ang National Federation of Small Water Irrigation Systems Associations (SWISAs), Philippine Tobacco Growers Association (PTGA), National Federation of Tobacco Agricultural Cooperatives (NAFTAC), Kalipunan ng Maliliit na Magniniyog saPilipinas (KAMMPIL), Aniban ng mgaManggagawa sa Agrikultura (AMA), at iba pang regional, provincial at lokal na organisasyon at kooperatiba.
Batay sa kanilang unity statement, nagkaisa ang mga grupo para tiyakin ang bawat Pilipino ay may access sa ligtas, abot-kaya, at masustansyang pagkain.
Pinangunahan din ng mga sumusunod ang nasabing conference: FFF head Leonie Montemayor, SWISAs head Joel Pangalilingan, AMA leader Ronaldo Doganasol at KAMMPIL leader Reynaldo Monteverde.
“Together, we will strive to uplift each other and to ensure that every voice in our agricultural community and marginalized sectors is heard and valued,” ayon sa unity statement ng mga grupo.
“Our Alliance is here to support-not as leaders, but as true allies and partners standing with you every step of the way. Your challenges are our shared concern, and your successes are victories for every Filipino who dreams of a better, fairer, and more prosperous future.”
Sa isinagawang Magsasaka Para sa Lahat National Consultation Conference noong Setyembre 27 hanggang 29, binanggit ng mga grupong ito ang mga hamon na kinakaharap ng mga magsasaka tulad ng mababang presyo ng mga produkto at ang patuloy na pakikibaka para sa ligtas na mga karapatan sa lupa, at pa ng pagdagsa ng mga imported na produktong agrikultural na nagpapabagsak sa presyo ng mga lokal na produkto.
Higit pa rito, sinabi ng mga grupong ito na ang mga mangingisda ay patuloy na nakikipaglaban sa lumiliit na stock ng isda at ang panghihimasok ng komersyal na pangingisda sa kanilang tradisyonal na lugar ng pangingisda.
“These challenges, fueled by unfair trade policies and importation practices, threaten not only the survival of our agricultural sectors but also our nation’s food security and self-sufficiency,” ayon sa grupo.
Nangako ang mga grupong ito na susuportahan ang sektor ng agrikultura upang matiyak na matutugunan din ang kanilang mga pangangailangan at diringgin ang kanilang mga sentimiyento.
“We will ensure that the needs and rights of those who feed our nation- from rice fields to fishing areas, from poultry farms to piggeries-are finally given the attention they deserve.”